Tula Tungkol Sa Buwan ng Wika, Filipino: Wika ng Saliksik

Ngayong Buwan ng Agosto ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika na may temang Filipino: Wikang Mapagbago. Isa sa mga pinapagawa sa paaralan ay ang pag likha ng tula tungko sa Buwan ng Wika na higit sa lahat at may kaugnayan sa tema ngayong taon. Dito sa post na ito ay ang isang halimbawa ng isang tula tungkol sa Filipino: Wikang Mapagbago.

Tula : " Wika ng Saliksik "

Wikang sumisimbolo
Wikang karunungan
Wikang kaunlaran
Wikang tanging yaman

Wikang mapagbago sa ating kapaligiran
Kung kaya't na nganganib mawala sa ating lipunan
Dalisay ang kasarinlan ng ating wika
Kung ito'y hindi na ngangailangan ng hiram na salita





Wika syang bato tungtungan
Ng mga paa ng mahal na bayan
Wikang itinaguyud ng mga ninono
Ninonong walang sawang ipaglaban nitong wika natin

Mahalin ang saraling atin
Upang tayo'y yumaman din
Sapagka't ito lang ang tanging kayamanan natin
Wikang Filipino mahalin rin natin 


Tula "Wika ng Saliksik" 

Bumabagabag sa aking isipan
Ang wikang makabuluhan
Hindi magkaintindihan ang mamamayan
Dahil wika’y walang pagkakakilanlan.

Sa pag usbong ng panahon
Wika’y hindi makaahon
Pilipino ang siyang nagbabaon
Nang wikang kinagisnan noon.


Lumipas ang panahon
Teknolohiya’y umusbong sa ngayon
Dulot ng makabagong henerasyon
Nag iiba ang bawat ambisyon.






Mga makabagong wika
Mga di maintindihan na salita
Nag usbungan nalang bigla
Na parang isang bula


Pagbigkas ng makabagong salita
Ang kabataan ay bihasa
Hindi tulad ng isang makata
Na alam ang malalalim na salita.


Magbago man ang ikot ng mundo
Tayo’y mga Pilipino
Nananalaytay sa dugo
Kahit ang wikang mapagbago.

Tula (Wika ng Saliksik) 

Dahilan kung bakit ka kilala,
Nagsisilbing puso mo at kaluluwa,
Dapat nating ipagmalaki,
Sa lahat ng tao sa daigdig.

Wika natin, wikang Filipino,
Wika para sa mga Pilipino,
Kaya't huwag sayangin,
Ang wikang sariling atin.


Higit 180 na diyalekto,
Wikang pinapaunlad ng tao,
Ginagamit sa pakikipag komunikasyon,
Hanggang sa susunod na henerasyon.





Ang pagiging Pilipino,
Ay isang karangalan ng tao,
Isang karangalang,
Di maiaalis ng sinoman.


Wikang mapagbago,
Saan mang dako,
Ay pinapadali ang mga bagay,
Na pahirap sa ating buhay.


Wika'y napakahalaga,
Kailangan ng isa't isa,
Huwag nating ipagkait,
Bagkus ay ating ipagmalaki.

No comments