Wednesday, August 16, 2017

Tula Tungkol Sa Wikang Mapagbago (Buwan Ng Wika)

Mga Tula Tungkol Sa  Buwan Ng Wika 2017 na ang tema ay Filipino: Wikang Mapagbago. Sa post na ito ay ibabahagi ko ang mga halimbawa ng tula na tungkol sa buwan ng wika at kaugnaya na rin sa tema ngayong 2017 na Filipino: Wikang Mapagbago. 


Filipino Wikang Mapagbago
Hindi mo maipagkakaila 
Na natatangi ang ating wika 
Wikang lubos na mahalaga
 Dahilan kung bat tayo kilala
Filipino wikang mapagbago 
 Binubuo ng mga dayalekto 
Ito ay sumasabay sa uso 
Sa ibang wika di papatalo
Wika natin ay maraming gamit
 Itoy hindi ko ipagpapalit 
Sa ganda daming naakit 
Pati banyaga nakikigamit



Bawat oras na lumilipas 
May bagong wikang natutuklas 
 Pagbabago ay sadyang likas
 Kapangyarihan nito ay malakas
Ating wika pinagtulungan
 Bawat detalye pinagisipan 
Syempre itoy pinahirapan 
Mga nagambag pasalamatan 
Ang ating wikang Filipino 
Wikang masasabing atin to 
Hindi magpapahuli sa bago 
Itoy dapat ipagmalaki mo
Wikang Mapagbago(Tula) 
ni Jeremiah Villa Agustin

Wika ay sadyang napakahalag
Ito ang nagsisilbi nating kaluluwa
Ang wika ay bahagi ng ating kultura
Naipahahayag ang saloobin ng bawat isa


Subalit sa paglipas ng panahon
Maraming sinaunang salita ang nababaon
Nalilimutan dahil sa pagiging modernisasyon
Dala ang pag-usbong ng ilang salita tulad ng "Bekimon" at "Jejemon"



Marami sa atin ang naguguluhan
Para bang nawawala ang tunay na kahalagahan
Ngunit hindi dapat ikabahala ng sino man
Bagamat tulong ito sa pagyabong ng wika sa lipunan


Ng dahil sa mga makabagong teknolohiya
Patuloy nitong pinag-uugnay ang bawat isa
Kahit nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating salita
Kaagapay lang ito ng pag-unlad ng ating wika


Sarili mong wika ang gamitin mo
Tatak ito ng iyong pagkatao
Magbago man bokabolaryo
Walang sinuman ang makaka-agaw nito


Wikang Filipino ay atin ngang pagyamanin
Tara na't ibahagi at palaganapin
Tayo'y magkaisa sa isang layunin
Ang pambansang wika na Filipino ang gamitin


Pinagtibay, Inangat Wikang Filipino
Isinilang kang Filipino
Namasdan mo ang pagbabago
At ang pakikisabay sa uso
Ng ating wikang pambansa

Bawat isa sa mga Filipino
Gumagawa ng sariling salita
Na lalong bumubuhay sa ating wika
Dahilan para magbago ating wika

Wikang Bading at Jejemon
Yan ang wikang napapanahon
Pinag-uusbong pa ng mga Filipino
Dahil yan daw ng “In” ngayon




Nagbabago ang ating wika
Nang di natin namamalayan
Bawat araw may mga salitang nagkakamatayan
Na sa pagdaan ng panahon ay di na matandaan

Tunay ngang kamangha-mangha
Ang talino ng mga Filipino
Mga bagong salita’y kanilang naiimbento
Na ngayo’y natatala sa bagong bokabularyo

Wikang Filipino’y kailanman ay di mamamatay
Buhay nito’y walang hanggang tunay
Ang mga rason na nagpapatibay
Ay ang ga Filipinong mapagmahal sa wika

No comments:

Post a Comment