Wednesday, August 16, 2017

Tula About Buwan ng Wika

Tula About Buwan ng Wika - Mga Tula Tungkol Sa  Buwan Ng Wika 2017 na ang tema ay Filipino: Wikang Mapagbago. Sa post na ito ay ibabahagi ko ang mga halimbawa ng tula na tungkol sa buwan ng wika at kaugnaya na rin sa tema ngayong 2017 na Filipino: Wikang Mapagbago. 


Wikang Mapagbago(Tula)
 ni Alvan Kevin Pascual Villaflor

Simula ng pagtungtong mo sa daigdig
Wika'y nakatatak na sa iyong isip,
Inang pinagmamasdan ang iyong bibig
Sa unang salitang iyong iniihip.

Kaya't ito'y dapat mong iniibig
Sapagkat simula bata ito'y iyong kalakip,
Mga salitang lumalabas sa iyong bibig
Ay nanggaling sa iyong pagiisip.


Wikang kinagisnan simula pagkabata
Ay siya ring kasama hanggang pagtanda,
Ngunit sa pagkakataong ito tao'y nagbago
Wikang kinagisnan ay siya ring binabago.





Sa iyong pagiging moderno
Wikang kinagisna'y siyang lumalaon,
Kasabay nama'y pagusbong ng wikang makabago
Wikang makabagong sinang-ayunan ng lupon.


Sa karamihan ng wika'y tila 'di nakuntento
Wikang cono, jejemon at bekimon ay siyang inimbento,
Kanilang dahila'y upang magkaroon ng pagkapribado


Kaya pati wika'y siya na ring binabago.

Sa patuloy na pagtanda ng iyong buhay
Ang ibang wikang kinagisnan ay namamatay,
Habang sa pagunlad ng bansa't wika ngayon
Ang mga nakaraan ay mahirap nang ibangon.


Tula sa Wikang mapagbago
ni Juryne Kea R. Kebasen


Wikang Filipino na sumasabay sa alon
Unti-unting umuusbong mula uga't hanggang dahon
Habang ang panahon ay patuloy na naglalaon
Sa ating utak at natatabunan at bumabaon.


Wika ngayon ay pabago-bago
Dahil sa pagdaan ng modernong panahon
Wikang unti unti ng nadaragdagan
Mga salitang kaaya-ayang pakinggan.


Kung nais ay pagbabago
Gamitin ang wikang mapagbago
Isang sangkap at instrumento
Nating mga pilipino.





Wikang Filipino, wikang mapagbago
Tulong sa ating bansa upang umasenso
Wikang Filipino, tulay sa pagbabago
Ating pagusbungin at pagyamanin ito.


Wikang Filipino, paunlarin wag kalimutan
Dapat ito'y tunay na pag-ingatan
Kung sa wikang Filipino nakamit ang kasarinlan
Ito rin ang makakatulong sa pag-ahon ng bayan.


Mga bagong wika, kakaibang salita
Ngayo'y mas tinatangkilik ng masa
Ngunit laging pakatandaan
Unang salita ay parte ng kasaysayan.


Wikang Pinagmulan (Tula)
ni Edward Thomas Vicente


“Eow, muzta ka nah?”
“Otw na ‘ko”, wika pa ng isa
Ilan lamang sa mga salitang maririnig sa masa
Mga salitang talaga namang kakaiba


Mga salitang dala ng panahon
Mga Wikang umusbong sa bagong henerasyon
Ito’y nagsusulputan sa bawat taon
Sinasalita ng mga tao dito’t doon


“Jirirts”, “Imbyerna”, “Keri pa ba?”
Mga Salitang hindi maintindihan ni lola
Dahil ang mga ito ay kakaiba
At hindi nakagisnan ng mga taong nauna





Ano na nga ba ang nangyari sa ating lipunan?
Tila lahat ay gusto ng mabilisan
Kung ikaw ay mabagal, ika’y mapag-iiwanan
Kaya’t walang magawa kundi makipagsabayan


Jeje Languange, Gay Lingo, at iba pa
Mga nagsulputang Lengwahe na naiiba
mga makabagong wikang sinasalita nila
ano nga ba ang mabuting naidudulot sa kanila?


Sa paglipas ng panahon, pagbabago ay kailangan
Maging sa wika na ating kinagisnan
Ngunit sana ay huwag nating kalimutan
Wikang Pilipino parin ang kanilang pinagmulan

No comments:

Post a Comment