Buwan ng Agosto ay ang Buwan ng Wika o Buwan ng Wikang Pambansa. Ito ay isa sa mga mahahalagang pagdiriwang na ginaganap sa ating minamahal na bansa. Ang theme ngayong taong 2017 ay Filipino: Wikang Mapagbago. Ang tema ay naaangkop lamang sapagkat marami na ngang nagbago sa ating sariling wika merong mga negatibo pero marami namang mga positibo. Isa sa mga patimpalak ay ang paggawa ng tula at sanaysay meron ding slogan at poster making contest.
Wikang Mapagbago(Tula)
Wikang bahagi ng kasaysayan
Sa kamay ng dayuhan pinahirapan
Naghatid sa bansa ng kalayaan
Nagbigay sa Pilipino ng karapatan
Wikang pinagbawal ng kastilang gamitin
Sa lupaing mituturing na sariling atin
Upang sa salitang banyaga sanayin
At Pilipinas tuluyang sakupin
Wikang nagsulong ng kalayaan
Ginamit upang sa dayuhan makipaglaban
Wikang ginamit upang magkaintindihan
At muling ibalik ang nawalang kasarinlan
Wikang nakalimutan dahil sa mga kano
Mas inalam si Washington kaysa Bonifacio
Ingles ang naging tanyag sa mga Pilipino
At patuloy na sinamba ang mga Amerikano
Wikang patuloy ang paglago
Mabilis na pagsulpot ng iba’t ibang dayalekto
Pati narin jejemon at Gay Lingo
Na nagpapakulay sa kultura ng Pilipino
Wikang mabilis magbago
Masasabing sumasabay sa uso
Wikang salamin ng pagkatao
Wikang buhay ng Pilipino
WIKANG PAGBABAGO (Tula)
Ni Benjamin D. Onarse Jr.
Ano nga ba ang halaga
Ng wika ng isang bansa
Kung di tayo magkaisa
At magbuklod ng sama sama
Ni Benjamin D. Onarse Jr.
Ano nga ba ang halaga
Ng wika ng isang bansa
Kung di tayo magkaisa
At magbuklod ng sama sama
Kung kaya mong magpahalaga
Ng wika ng ibang bansa
Bakit di ang sariling salita
Na kinagisnan mula ng ika'y bata
Pag usbong ng bagong salita
Talaga namang nakakahanga
Ito ay isang katunayan
Na yumayabong ang ating wika
Di natin makakaila
Sa pagyabong ng ating wika
Ay may mga salita
Na di na nagagamit at limot na
Napakahalaga ng wika
Lalo na sa isang bansa
Kung wala itong halaga
Ano ang pangalan ng ating bansa
Wikang Filipino
Ang magbubuklod sa mga tao
Wikang mapagbago
Ang susi sa mga ito
Ng wika ng ibang bansa
Bakit di ang sariling salita
Na kinagisnan mula ng ika'y bata
Pag usbong ng bagong salita
Talaga namang nakakahanga
Ito ay isang katunayan
Na yumayabong ang ating wika
Di natin makakaila
Sa pagyabong ng ating wika
Ay may mga salita
Na di na nagagamit at limot na
Napakahalaga ng wika
Lalo na sa isang bansa
Kung wala itong halaga
Ano ang pangalan ng ating bansa
Wikang Filipino
Ang magbubuklod sa mga tao
Wikang mapagbago
Ang susi sa mga ito
“Bukambibig”
(Filipino: Wikang mapagbago)
Ni: Ashley Nicole D.V. Cia
Wika ay emosyon na nagpapabulalas
Sa bibig ng madla ng bansang Pilipinas
Emosyong ito’y walang habas mag atas
Ng mga bukambibig na matatas
(Filipino: Wikang mapagbago)
Ni: Ashley Nicole D.V. Cia
Wika ay emosyon na nagpapabulalas
Sa bibig ng madla ng bansang Pilipinas
Emosyong ito’y walang habas mag atas
Ng mga bukambibig na matatas
Sa bawat bagong salitang inilalabas
Ng mga panahong kay bilis kung lumipas
Ay ang pagpalit din sa lumang binibigkas
Mga salitang naging lanta na’t walang lakas
Arbitraryong salita sa bawat pangkat ay lakas
At Kung saan itinuturing na hiyas
Sa pagkakaroon ng epektibong pakikipagtalastas
Mga salitang tumutukoy sa kanilang bakas
Mga nais ipahayag na salita ay lutas
Upang maipahayag ang ibig sa pagbigkas
Iba’t ibang salitang sumisibol, lumabas
Malilikhaing isip ang nagiging batas
Mga sallitang tinanim, pinitas
Ng mga taong lumilikha at bumimibigkas
Pinagyayaman kahit ito’y may pintas
Pagbuo ng mga salita’y walang wakas
Wika’y nagbabago base sa pagintindi’t pagbigkas
Nang dahil sa bukambibig na naririnig madalas
Ang ating wika’y nagkakaroon ng antas
Filipino: wikang mapagbago, pagpapalaganap nito’y iwasiwas
Ng mga panahong kay bilis kung lumipas
Ay ang pagpalit din sa lumang binibigkas
Mga salitang naging lanta na’t walang lakas
Arbitraryong salita sa bawat pangkat ay lakas
At Kung saan itinuturing na hiyas
Sa pagkakaroon ng epektibong pakikipagtalastas
Mga salitang tumutukoy sa kanilang bakas
Mga nais ipahayag na salita ay lutas
Upang maipahayag ang ibig sa pagbigkas
Iba’t ibang salitang sumisibol, lumabas
Malilikhaing isip ang nagiging batas
Mga sallitang tinanim, pinitas
Ng mga taong lumilikha at bumimibigkas
Pinagyayaman kahit ito’y may pintas
Pagbuo ng mga salita’y walang wakas
Wika’y nagbabago base sa pagintindi’t pagbigkas
Nang dahil sa bukambibig na naririnig madalas
Ang ating wika’y nagkakaroon ng antas
Filipino: wikang mapagbago, pagpapalaganap nito’y iwasiwas
No comments:
Post a Comment